Kamakailan lang may nadaanan akong grupo ng mga kababaihan
sa mall, sa tanya ko naglalaro ang mga edad nila sa bente hanga bente tres.
Magaganda at mukhang takot sa araw ang balat nila. Mahihiya ang suot kong
polong puti sa kulay ng kutis ng mga ‘to. Maliban sa obvious na alindog ng mga
binibinining ‘to, kapansin-pansin na nagmamayabang ang mga tattoo nila.
Naaalala ko nung bata pa ako, kapag may tattoo ang isang tao, negative kaagad
ang hatol sa kanila. May isang araw nga na nagpa-hena tattoo ako, sibangot at bulyaw
kaagad ang napala ko sa mga magulng ko. "Dumi" daw ika nila. Pero sa panahon
ngayon, tila hindi ka "in" kung walang naka-tatong pilido mo sa kamay mo, o
kaya naman tribal sa dibdib mo. Hindi sakto ang salitang "astig" sa pagkatao mo
kung wala kang mukha ng nanay o tatay mo sa braso mo.
Sa isang balita, nasira ang kutis ng isang babae pagkatapos magsugat at magbalat ang tattoo nito.
Ito ang hitsura ng tattoo pagkatapos maipinta sa balat niya.
Pero habang tumatagal, napansin ng babae na tila nagbabago ang hitusra ng tattoo nito.
Sa pagdaan ng mga araw, nagbabago ang kulay ng tattoo at tila nabubura ng paunti-unti ang disenyo nito.
Makikita sa larawa na tuluyan na nagsugat ang parte ng tattoo at unti-unting tinatalupan ang balat nito.
Patuloy na umukit ng pinsala ang flower tattoo ng babae at makikita sa larawan na nagdulot ito ng major internal burns sa parte ng balat nito ng babae.
Tuluyan nang nabura at nagbalat ang tattoo at nag-iwan ito ng malaking pilat sa kanyang balat.
Ayon sa medical report na ginawa sa babae, napagkaalaman na maaring ang mga instrumentong ginamit para tatuan siya ay hindi malinis, dahilan para magdulot ng infection sa balat ng babae.
Masasabi ko ang pagpapa-tattoo ay likas na sa kultura ng pilipino, tradisiyon na 'to ng mga ninuno natin simula pa 'nong panahon ni Lapu-Lapu. At sa mabilis na pag-usad ng panahon ngayon, kung saan ang lahat ay kabahagi na sa millenial generation, ang tattoo ay isang instrumento kung saan dinadaan ang damdamin o ang salamin ng pagkatao(Trivia: noon, sa ilang tribo na namumuhay sa piipinas, ang gamit ng tattoo sa balat nila ay upang malaman kung ilang tao na ang napatay ng mga ito. Sa tattoo din nila malalaman kung ano ang estado ng pamumuhay nila.), art of life ika nga ng iba. Pero bago ka magpalagay ng bungo diyan braso mo, o ng forever linda my love sa dibdib mo, kumunsulta muna sa iyong medekolidad at tiyaking propesiyonal ang mag-uukit sa balat mo.
Comments
Post a Comment
Salamat sa Comment Dude! Babalikan kita kagad, PRAMIS!