Mga Sekretong Tips Kung Paano Pumayat Maliban sa i-scene zone ka ni crush, nangyari na ang isa sa mga kinakatakutan mo, ang dating mga baby fats mo, ngayon teenager na sila. Kung nakakapag-emote ang mga pantalon at shorts mong size 26-27, malamang may mga suicidal thoughts na ang mga ‘to. Dahil maliban sa nakatago nalang sa aparador mo o wala nang silbi, pasan nila ang daigdig kapag pinuwersa mong isuot ang mga ito. Kung galing ka sa nakaraang chibugan festival, mapa-birthday man, kasal, pasko, break-ups, o food is life mode ka lang talaga for the past 100 years at kailangan mo ng tabasin ang ikalawang baba mo, nasa tamang side ka ng internet bes! Sundin mo lang ‘tong mga sekretong tips kung paano pumayat at magpaliit ng tiyan at sigurado ako, masusuot mo na ulit yung favorite small size Never Give Up t-shirt mo. Teka, disclaimer lang. Kahit 100% mong nasundan ang bawat secret techniques sa article na ‘to, please lang, ‘wag kang aasa na pagkasing mo ay kasing sexy mo na si...
Mga araw-araw na kaganapang trending na umiikot sa paligid mo.