British Celebrity Chef Gordon Ramsay, na-inlove sa Adobo!
Okay sige na, masyadong OA ang title, at sige na rin click bait lang iyon mga bes! Pero itong si Hell’s Kitchen, Kitchen Nightmares, MasterChef at soon to be The F Word host na si Pareng Gordon Ramsey ay napahanga sa natikman niyang Burger na Pork Adobo Version! (Angels Burger, kabahan na kayo!)
Question bes, gaano ka katakaw? ............
Ay ayaw sagutin oh! O sige, change question, ano nalang ang paborito mong ulam na lutong pinoy? Ayon sa survey ng ABS-CBN, GMA 7, Netflix at HBO, lagpas sa 80% na mga pinoy ay sasagot ng Adobo (napatanong ka ng 'di nga?! o ng weh?! no? charing lang iyon). Pero sigurado naman ako, dalawa o tatlo sa sampung pinoy na tatanungin ko nito, may sasagot ng Adobo. Sasampalin ko ng tsinelas ang sasagot ng spaghetti o Mang Inasal, subukan mo bes.
Hindi lang sa galing sa kusina kilala itong si Pareng Ramsay, siyempre isa din siyang sikat na actor na lumabas sa maraming pelikula, kagaya ng Ex with Benefits, Love is Blind, A Secret Affair, No Other Woman at iba’-t-iba pang pelikula kung saan hindi pwedeng ‘di mawala sa eksena ang abs nito……..sige na, joke intended, pamparami ng words sa artikel. Kidding aside mga bes, kamakailan ay lumabas sa isang talk show si Gordon Ramsey, para i-promote ang upcoming show nito na The F Word, at siyempre para sulitin narin ang talent fee, inutusan na rin siyang mag judge sa isang burger competition, kung saan naglalaban ang dalawang burger (seriously? Burger competition nga eh, alangan naman French fries ang magkakompitensiya. Minsan napapaisip ko kung may future ‘tong blog). At dahil contest ‘to, kailangan may isang manalo, kailangan niyang pumili sa pagitan ng Bison and Chorizo Double Stacked Burger at sa Pilipino pride, Pork Adobo Burger (kung ako papipiliin, siguro sa pangalan pa lang, Bison and Chorizo Double Stacked Burger ang winner mga bes! Hindi sa sawa n ako sa adobo ah, un nga ulam namin ngayon eh, seryoso).
Alam niyo na siguro ang ending, pinili ni Pareng Ramsay ang Adobo Burger ni Mareng Maura Hohman, na sinangkapan ng maraming seasonings (napapaisip tuloy ako kung gumamit sila ng magic sarap) with mixture of grounded bacon at natural na sangkap ng adobo gaya ng dahon ng laurel, paminta (maraming vetsin) suka at siyemre ang secret-ingredients-teknik, toyo.
Pero may twist ung adobo burger mga bes, imbis na usual burger bun ang ginamit, Pandesal ang ginawang tinapay (umiiwas siguro ung gumawa sa kasabihang, sa unang kagat tinapay lahat).
Comments
Post a Comment
Salamat sa Comment Dude! Babalikan kita kagad, PRAMIS!