Isang 43-year-old na babae ang kamakailan ay sinugod sa hospital dahil sa sampung araw na itong nakakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka. Nang suriin ito ng mga doktor, nagulat ang lahat sa nakita nila sa loob ng kaniyang tiyan!
Ayon sa lumabas na resulta sa kaniyang X-ray, ang babae ay nakitaan diumano ng mga pako, ballpen, kutsara, mga piraso ng kahoy, hibla ng buhok, iilang piraso ng bakal at mga tootbrush sa loob ng kaniyang tiyan!
Ayon sa lumabas na resulta sa kaniyang X-ray, ang babae ay nakitaan diumano ng mga pako, ballpen, kutsara, mga piraso ng kahoy, hibla ng buhok, iilang piraso ng bakal at mga tootbrush sa loob ng kaniyang tiyan!
Agad inoperan ang nasabing babae na napag-alaman na dumaranas ng matinding psychiatric disorder.
Ayon sa report, matagal na diumano lumulunok ng iba't-ibang bagay ang babae sa tuwing ito ay nakakaranas ng matinding stress, o kapag sumusumpong ang sakit nito sa pag-iisip. Ayon sa mga eksperto, Bezoar ang tawag sa sitwasyon ito, kung saan maraming natagpuan na "foreign object" sa loob ng tiyan ng isang tao, lalo na sa bituka nito.
Ang bihirang kaso ng babae ay matatawag na Metalbezoar, na madalas nangyayari sa mga pasyenteng dumaranas ng matinding depresiyon, emotionally disturbed o mga pasyenteng may sakit sa pag-iisip. Matagalan at masinsinang psychiatric evaluation at therapy ang sagot upang maiwasan ang mga ganitong kondisyon.
Comments
Post a Comment
Salamat sa Comment Dude! Babalikan kita kagad, PRAMIS!