Kung batang 90’s ka, sigurado ako alam mo ang linyang “Karen po”, isa sa mga hit na commercial ng Mc Donalds. Sa patalastas, habang kumakain sa Mc Do, laging napagkakamalan ni lolo Rudy si Karen sa isa sa mga apo niya na si Gina, dahilan para maimbyerna si Karen mga bes. Pero, natapos ang patalastas sa “aww moment” nang sabihin ng Lolo niya ang linyang: “ito (hawak ang hinating burger sa dalawa), para sa paborito kong apo, si Karen.”
O ito naaalala mo?: “Ito ang beat sabay sabay, ito and beat bawal sablay, pabilis ng pabilis, wag mag-mimiss wag magmi-miss, gets mo na? gets mo na? Aahhh..Coca-Cola! Nalilito, nalilito, nahihilo, nahihilo! Coke ko to! Coke ko to! Coke ko to! Coke ko to!”. Isa sa mga hindi ko makakalimutang memories dahil sa commercial na ito, ay nung isang araw ng recess namin sa school, pagpasok ko ng canteen aakalain mong nasa music class ka, lahat ng estudyante tinatambulan ang mesa kasabay sa beat ng jingle nung commercial.
Oo na, aaminin ko na matanda na ako! Pero Kung wala kang maalala kahit ni isa man lang sa commercial na nabanggit sa taas, pwes, malamang ito natatandaan mo: “Kamusta crush mo?” at “Smile ka din, konti lang.”
Kilala ang Pinas sa isa sa mga bansa na nagpo-produce ng mga mapang-akit na patalastas, mapa-kwela man o touching, na siguradong tatatak sa puso at isipan at hinding-hindi kaagad makakalimutan ilang taon man ang dumaan. Tanda ko pa nga noon kapag tinatanong ako at hindi ko alam ang sagot, “Jakamawatan” ang reply ko (isa sa mga sikat na commercial ng Globe).
Pero kung mahilig ka naman sa madrama at makapag-habag-damdamin na tagpo, iyong tipong kukurutin bigla ang puso mo at mapapa-iyak kanalang sa sakit, puwes, Thailand Commercial ang bagay sayo bes! Alam mo ba na sikat ang bansang ito sa mga patalastas na magpapamulat sayo kung gaano ka kaswerte sa mundo kahit na pinagpalit ka ng syota mo sa iba? O kung gaano ka mas nakaka-angat sa iba kahit na pagsa-sapatos, pagtataho o pagbabasura lang ang alam na trabaho ng mga magulang mo? Putek, sa tigas kong ‘to, hindi ko makakalimutan kung paano ako lumuha ng gabalde dahil lang sa napanood kong commercial ng cooking oil!
Well, kung ayaw mong maniwala, heto ang ilan na sa palagay ko’y “magpapa-puwing “sa iyong mga mata.
Ipupusta ko titulo ng bahay namin, kung hindi ka nagpahid ng luha kahit isa man lang sa mga commercial na napanood mo. Don’t tell a lie, aminin! (Alam ko commercial din dati yun e…)
Comments
Post a Comment
Salamat sa Comment Dude! Babalikan kita kagad, PRAMIS!