Skip to main content

Did Angelica Panganiban Received Bouquet of Flowers from Carlo Aquino? - Nangangamoy Balikan Nga Ba?

Kung lodi at lagi mong sinusubaybayan si Angelica Panganiban at nakapag-move on kana mula sa masakit at mahapding break up (Plus may mystery guy ka with matching bouquet of flowers), tiyak makaka-relate ka sa article na’to.



Hindi na sikreto sa atin ang pinagdaanan ng aktres ukol sa previous nitong relationship, pero nitong nakaraang araw ay mukhang may sumusubok muling kumatok at pangitiin ang puso ng dalaga, sa pamamagitan ng simple, pero pinaka-romantik na the moves sa larangan ng pag-ibig. Ayon sa Instagram post ng aktres, nakatanggap ‘di umano ng bouquet of flowers si Angelica Panganiban mula sa isang “Mystery Guy” nung gabi ng miyurkules.



Sa kabila ng post nito sa pictures ng nasabing bouquet of flowers, may pabitin effect at hindi pinangalanan ni Angelica kung sino ang nagbigay sa kaniya ng mga bulaklak. Isang maiksing “Huy, salamat.” lang ang nasa caption. Nagiwan tuloy ng isang malaking katanungan mula sa mga fans nito kung sino nga ba si mystery guy. Pero sadyang matatalino ang iba, hindi nagtagal ay na-decode kaagad nila ang lalake. Naniniwala sila na ang ex at lagpas 6 years na karelasyon nito na si Carlo Aquino (Magbunyi mga 90’s kid at G-Mik Fans!) ang ‘di umano’y nagbigay sa bulaklak. Nagpadagdag pa sa ningas ng apoy ng espekulasyon ang tweet ni Carlo Aquino, ilang oras pagkatapos i-share ni Angelica ang bouquet of flowers nito. “Matalik na kaibigan, maaari ba kitang maging matalik na pagibig.”


Nakaka-amoy tuloy ang madlang people ng balikan. “Somethings fishy”, ika nga ni Aling Luring, tindera ng isda sa talipapa namin, nang tanungin ko siya kung anong maikukuro niya kay Angelica Panganiban and Carlo Aquino latest news.

Ayon pa sa previous episode ng Gandang Gabi Vice, matatandaang sinabi ni Angelica na naging matalik silang magkaibigan ni Carlo matapos ang kanilang break-up, at nang tanungin ang aktes kung payag siya ulit makipagdate kay Carlo, isang mabilis na “Oo” agad ang sagot ng dalaga. Dagdag pa nito, wala namang masama kung makiki-pagdate siya muli sa binata, dahil pareho naman silang single ngayon.

Comments