Kasunod ng matiniding pag-aalburoto ng bulkan, ang Mayon Volcano ay nagbabadya nanamang sumabog sa mga susunod na araw. Ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology, ang pinakabagong development sa bulkan ay ang pagliwanag at tila pamamaga ng bungaga nito kagabi, January 15 2018.
“Mayon’s summit crater is now exhibiting bright crater glow
that signifies the growth of a new lava dome and beginnings of lava flow
towards the southern slopes,” pahayag ng PHILVOCS mula sa pinakabago nitong
statements o update.
Ang bulkan, kung saan matatagpuan sa probinsiya ng Albay,
unang naglabas ng makapal na abo noong hapon ng Sabado (January 13) na nagtagal
ng 27 na oras, na sinundan naman ng limang minutong pag-sabog nitong umaga ng
linggo. Sumatutal, nakapagtala ang PHILVOCS ng 158 rockfall events at tatlong
phreatic eruptions.
Kasunod nito ang pagtaas ng PHILVOCS-DOST sa status Alert
Level 3 mula sa Alert Level 2. Nangangahulugan na ang bulkan ay nagpapakita ng
mataas na banta ng biglaang pagsabog na may kasamang pagdaloy ng lava.
“In view thereof, PHIVOLCS-DOST is now raising the alert
status of Mayon Volcano from Alert Level 2 to Alert Level 3. This means that
Mayon is exhibiting relatively high unrest and that magma is at the crater and
that hazardous eruption is possible within weeks or even days.”
Inilarawan ni Renato Solidum, Philippines’ Chief Volcanologist,
na ang kasalukuyang lagay ng Mayon Volcano ay nasa “non-explosive magmatic
eruption. Subalit hindi nito inaalis ang posibilidad na mas delikadong pagsabog
sa darating na mga araw. Ika niya, “What we would like to see is if there would
be enough pressure, gas pressure for the next magma that would go up.”
Kaya inirekomenda ng PHIVOLCS na ipatupad ang six-kilometer
radius Permanent Danger Zone o PDZ at ang seven-kilometer Extended Danger Zone
o EDZ sa paligid ng bulkan, lalo na sa timog na bahagi nito. Inabiso rin ang
Civil Aviation Authorithies na balaan ang mga piloto ng mga sasakyang
panghimpapawid na iwasan ang summit ng Mayon Volcano. Naglabas rin ng pahayag
ang CEBU Pacific na nagkansela ito ng flights malapit sa lungsod ng Albay City
dahil sa patuloy na masamang kalagayan ng bulkan.
Mahigit sa 12,000 naman na residente mula sa ibat-ibang nayon malapit
sa bulkan ang inilikas. "There is an ongoing forced evacuation from the
municipalities of Daraga and Legazpi because of the lava flow." Wika ni
Romina Marasigan, spokeswoman for the National Disaster Risk Reduction and
Management Council. Dagdag pa nito na ang ilang lugar sa loob ng 3 kilometro mula
sa paanan ng bulkan ay naabutan na ng lava flow. “The 2,462-metre (8,077-foot)
high volcano is spewing ash and burning mud and rocks over the past two days,
forcing more than 3,000 residents to evacuate from nearby villages.”
Nagtalaga narin ng 4 mile danger zone sa paligid ng bulkan
para sa banta ng rockfalls, landslides at biglaang pagsabog.
Sa kasalukuyan, maitatala na ang Bulkang Mayon ay sumabog na
ito nang lagpas sa 50 beses sa loob ng limandaang taon, at ang pinakamapinsala
nitong pagsabog ay naitala noong taong
1814, kung saan mahigit sa 1,200 na katao ang namatay.
Comments
Post a Comment
Salamat sa Comment Dude! Babalikan kita kagad, PRAMIS!