Skip to main content

Mga Tips Kung Paano Pumayat

Mga Sekretong Tips Kung Paano Pumayat


Maliban sa i-scene zone ka ni crush, nangyari na ang isa sa mga kinakatakutan mo, ang dating mga baby fats mo, ngayon teenager na sila. Kung nakakapag-emote ang mga pantalon at shorts mong size 26-27, malamang may mga suicidal thoughts na ang mga ‘to. Dahil maliban sa nakatago nalang sa aparador mo o wala nang silbi, pasan nila ang daigdig kapag pinuwersa mong isuot ang mga ito. Kung galing ka sa nakaraang chibugan festival, mapa-birthday man, kasal, pasko, break-ups, o food is life mode ka lang talaga for the past 100 years at kailangan mo ng tabasin ang ikalawang baba mo, nasa tamang side ka ng internet bes! Sundin mo lang ‘tong mga sekretong tips kung paano pumayat at magpaliit ng tiyan at sigurado ako, masusuot mo na ulit yung favorite small size Never Give Up t-shirt mo.

Teka, disclaimer lang. Kahit 100% mong nasundan ang bawat secret techniques sa article na ‘to, please lang, ‘wag kang aasa na pagkasing mo ay kasing sexy mo na si Kim Domingo o kasing Hunk mo na si Piolo Pascual. Sa totoo lang, ang pinakamabilis na paraan para pumayat kaagad ay dapat armado ka ng salitang DETERMINASYON, CONSISTENCY at DISIPLINA sa sarili. Meaning, huwag mong ituring na tipong pang-one night stand lang ang mga secret techniques na malalaman mo. Gawin mo ‘tong ritwal araw-araw.

Mag-set ng makatotohanang Goals

Una sa lahat, bago ka sumabak sa pagpapayat, kailangan mo muna ng isang konkreto at makatotohanang plano. Maniwala ka, kahit sa ibang bagay maliban sa pagpapapayat, kung wala kang step by step na plano, hindi mo ito makakamit. Isipin mo nalang na parang pagpapagawa ng isang bahay, hindi mo kaagad itatayo ito na una ang bubong hindi ba? Lahat dumadaan sa proseso. Magtalaga ng plano kung ano at una mong gagawin para pumayat. Tiyakin na ang plano ay makatotohanan, huwag kang magse-set ng goals na pang tele-serye o pang-pelikula lang. 1-2 pounds (kalahati hanggang 1 kilo) sa isang linggo ay mas makatotohanan kaysa sa “Kailangan kasing sexy na ako ni Jessie Mendiola sa loob ng isang linggo”.

Uminon ng Maraming Tubig

                Una sa lahat, bago ka sumabak sa pagpapayat, kailangan mo muna ng isang konkreto at makatotohanang plano. Maniwala ka, kahit sa ibang bagay maliban sa pagpapapayat, kung wala kang step by step na plano, hindi mo ito makakamit. Isipin mo nalang na parang pagpapagawa ng isang bahay, hindi mo kaagad itatayo ito na una ang bubong hindi ba? Lahat dumadaan sa proseso. Magtalaga ng plano kung ano at una mong gagawin para pumayat. Tiyakin na ang plano ay makatotohanan, huwag kang magse-set ng goals na pang tele-serye o pang-pelikula lang. 1-2 pounds (kalahati hanggang 1 kilo) sa isang linggo ay mas makatotohanan kaysa sa “Kailangan kasing sexy na ako ni Jessie Mendiola sa loob ng isang linggo”.

                Ayon sa studies, madalas raw na inaakala ng isang tao na gutom ang nararamdaman imbes na pagkauhaw lamang. Kaya sa susunod na mag-ingay ang tiyan mo, try mo munang uminom ng isang basong tubig. Kung talagang nagmamaktol parin ang tiyan, try mong kausapin, sabihin mo, “Tiyan, hind ka gutom, bored ka lang.” Kidding aside, malaki din ang naitutulong ng pag-inom muna ng isang basong tubig bago umupo at sumabak sa kainan, dahil mabubusog ka kagad. Ipagpatuloy ang paginom habag kumakain para makaramdam ng pagkapuno.

Itigil ang Pagkain ng mga Junk Foods at Matatamis na Desserts

Self explanatory bes, ang paborito mong potato chips at blueberry cake ay may dulot ng extra-extrang calories na tiyak na ikakatuwa ng mga bilbil mo. Malaki ang porsiento na pumayat ka kung iiwas ka muna sa mga cakes, pastries o ano mang matatamis na dessert. Alam ko mahirap, pero hanggat maari, gumamit ng healthy substitutes na pagkain. Maghanap ng tamang alternatibo sa pagkain o paghanda ng pagkain. Subukan ang pagkain ng masustansyang prutas kapalit ng candy o tsokolate. Magluto ng popcorn sa microwave imbes na niluluto sa mantika o butter. Pero kung talagang hindi mo mapigilan lumantak ng chichiria, try mong ilagay ito sa isang platito lang, para mafocused ang pagkain mo sa maliit na porsiento lamang at hindi maubos ang isang bag.

The Power of 10 Minutes

Ayon sa mga eksperto sa pagiging healthy, ang pagnanasang kumain ay kadalasan umaabot lamang ng hanggang sampong minuto. Kaya bago mo isiping sumandok ng kanin o ambushin ang laman ng refrigirator niyo, try mo muna maghintay ng sampung minuto, at gamitin ang panahon para gumawa ng ibang bagay para saglit na makalayo sa kusina at malayo ang atensyon sa pagkain. Isipin mo muna si crush, o i-stalk mo muna ang Fecebook nito sa loob ng 10 minutes. Sigurado ako, makakalimutan mo ang gutom mo.

Galaw-galaw mga Bes!

Wala ng mas eepektibo pa sa ehersisyo sa pagsusunog ng taba sa katawan. Sabayan ng ehersisyo ang pagdidiyeta. Igalaw ang iyong katawan, ipagpag ang mga taba para lumiit ang tiyan mo! Kung ayaw mo mag-enrol sa gym, Gumamit ng alternatibong paraan. Alam mo ba na ang ini-isnob mong hagdan sa bahay, sa school o sa opisina niyo ay may positibong epekto sa pagpapapayat? Try mong magpanik-baba ng ilang beses sa isang araw hanggang sa pagpawisan ka. Pero kung nahihiya ka naman gawin ito, at baka isipin ng mga nakakakita sayo na parang nababaliw ka na, try mo naman maglakad ng malayo tuwing umaga. Mainam din ang pag-jogging. Pero sa kagaya kong tamad tumakbo at madaling mapagod, magandang alternatibo ang paglalakad ng malayo. Para kalang namamasyal. Malay mo sa paglalakad mo isang umaga, ‘dun mo makilala si destiny. Lalo kang papayat dahil magiging inspired kang magpaganda ng katawan para mapansin ka niya. Kung sadyang taong bahay ka lang at ayaw na ayaw mong nabibilad, magandang alternatibo naman sa paglalakad ng malayo ang Maglinis ng bahay. Masusunog na ang mga baby fats mo, matutuwa pa sayo ang mga magulang mo at may pag-asa kapang madagdagan ang baon mo school.

Magbawas ng Pagkain

Kung dati ay nakaka-benteng plato ka ng kanin, tryo mong i-trim ito sa kinse. Number 1 tip sa pag-didiet o pagbabawas ng kinakain, huwag na huwag mo itong bibiglain bawasan. Dahil lalo kalang magugutom at ang siste ay mapaparami lalo ang kain mo. Bawasan ang kinakain, pero pakonti-konti lang hangang sa kaya mo ng magbawas ng marami. Kung nainvite ka sa fiesta, kainan o kahit ano mang party, at siyempre puro pagkain ang nandun at food is life mode ka, pigilan ang sarili bes na ubusin ang kalahati ng lechon. Walang masamang kumain sa handaan, pero try mong limitahan ang sarili mo. Huwag mong hayaan na pagkatapos ng kainan, may guilty feeling ka mararamdaman sa sarili mo dahil nadagdagan ang pamilya ng mga taba mo sa dami ng nakain mo. Trust me, madedepress ka lalo, at kapag depress ang tao, ang kadalasan takbo nito ay sa pagkain.

Laging I-remind ang Sarili sa Sukat ng Kinakain

Gumawa ng reminder notes para sa sarili. Idikit ito sa refrigerator o sa kusina ninyo, na magpapaalala sa iyo kung sulit nga bang kainin ang isang pagkain kung ang kalalabasan naman nito ay madadagdagan lang ang iyong timbang. Isa pang effective na paraan para mabawasan ang taba ay ang pagsusukat sa kinakain. Maraming nagkakamali sa di tamang pagsukat ng mga carbo, calories o ano mang sustansiyang nakukuha natin sa pagkain. Maraming naglipanang application ngayon sa cellphone para sukatin ang nakukunsomo natin sa pagkain. Ayon sa mga eksperto, ang karaniwang calories na kailangan ng isang babae sa isang araw ay 2000 calories (2500 naman para sa lalake). 1500 calories (2000 para sa lalake) lang ang kailangan i-maintan mong kainin kung gusto mong mabawasan ng 1 pound ang timbang mo kada isang linggo.

Relaks. Okay Lang Iyan!

Panatilihin ang pagiging positibo. Malaking dahilan sa paglobo ng katawan ay ang mababang pagtingin sa sarili o low self-esteem, na nauuwi sa stress eating o overeating. Kaya dapat good vibes lang lagi bes! Hayaan mo lang kung na sceenzone ka ni crush. Iwasan mai-stress at ugaliing mag exercise, mag meditate, mag yoga o iba pang bagay na nakakapagbigay ginhawa (para sa lalake, alam niyo na ang ibig kong sabihin sa nakakapagbigay ginhawa, mainam din araw-arawin ito, dahil sabi nila nakakapayat daw…..ang pag-gygym.)


Kagaya ng nauna kong nabanggit, ang pinakamabilis na paraan para pumayat kaagad ay dapat armado ka ng salitang DETERMINASYON, CONSISTENCY at DISIPLINA sa sarili. Sa totoo lang, madali lang i-murder ang mga baby fats mo bes. Ang mahirap ay ang mapanatili ang iyong katawan sa maganda at malusog nitong anyo. Madalas kasi kapag pumayat na, kinakalimutan na ang mga sekrtetong tips na ito kung paano pumayat, na dapat consistent mong ginagawa.

Comments

Popular Posts

Michaela Caballero Baldos Scandal Videos - Alamin Ang Buong Istorya

Kung laman ka ng Internet, partikular ng mga social media nitong nakaraang araw, sigurado ako hindi nakalagpas sa curiosity mo ang pangalang, Michaela Caballero Baldos , ang bagong dilag na biktima ng sex scandal . Pero sino nga ba ang binibining ‘to at bakit ganon nalamang kung pagkaguluhan ang maselang bidyo niya? Halika, samahan mo akong busisihin at alamin ang buong istorya sa likod ng pamosong Michaela Caballaro Baldos sex Scandal (Plus an interview at reaksiyon kay Apung Celso, ang kapitbahay naming kilabot ng kolehiyala nung 1950). Kamakailan lang ay parang mga kabuteng nagsulputan ang mga post patungkol sa sex scandal ng isang dalaga sa internet , tinaob pa nito ang video ni Taylor Swift at Ed Sheeran sa kanta niyang End Game sa pagka-trending sa Youtube dito sa Pilipinas. Kung hindi nga lang laging laman ng balita ang pagsabog ng Bulkang Mayon, tiyak mahihiya ang mga iniluluwal nitong lava sa mainit na popolaridad ngayon ni Michaela Caballero Baldos. Ang nasabi...

Swimming Pool Scandal Nga Ba Ito? Panoorin at Kayo na Mag-decide!

Ayon sa PAGASA, patapos na ang summer, papasok na ang tag-ulan. Malamang may iilan-ilan din sa atin ang excited na sa rainy o wet season, sino nga naman ba ng ayaw sa malamig na dampi ng hangin dahil sa ulan? habang humihigop ng mainit na kape o malinamnam na sabaw? Pero ibahin mo ang mag-syotang ‘to, dahil iba ang trip nila sa huling hirit sa tag-init! Likas na sa atin na ang trip ay ang pagbababad sa tubig tuwing mainit ang panahon. Madalas ang takbuhan natin ay sa mga beach o swimming pool, dahil maliban sa mga mgagandang resort at beaches dito sa Pinas, talaga namang mapapa-dive ka sa tubig kung ang mga kasabayan mong naliligo ay may katawang tila inukit kay Derek Ramsey o Kim Domingo (biglang uminit ang klima dito sa kwarto kung saan tina-type ko ‘tong artikel nang maisip ko si Kim Domingo, summer pa nga talaga! Ang init!). Pero anong gagawin mo kung sa kalagitnaan ng pagba-butterfly stroke mo, ay may nakita kang mag-syota na nagtatampisaw din at sobrang higpit ng yaka...

Nasira ang Kutis ng Isang Babae Pagkatapos Magsugat at Magbalat Ang Tattoo Nito

Kamakailan lang may nadaanan akong grupo ng mga kababaihan sa mall, sa tanya ko naglalaro ang mga edad nila sa bente hanga bente tres. Magaganda at mukhang takot sa araw ang balat nila. Mahihiya ang suot kong polong puti sa kulay ng kutis ng mga ‘to. Maliban sa obvious na alindog ng mga binibinining ‘to, kapansin-pansin na nagmamayabang ang mga tattoo nila. Naaalala ko nung bata pa ako, kapag may tattoo ang isang tao, negative kaagad ang hatol sa kanila. May isang araw nga na nagpa-hena tattoo ako, sibangot at bulyaw kaagad ang napala ko sa mga magulng ko. "Dumi" daw ika nila. Pero sa panahon ngayon, tila hindi ka "in" kung walang naka-tatong pilido mo sa kamay mo, o kaya naman tribal sa dibdib mo. Hindi sakto ang salitang "astig" sa pagkatao mo kung wala kang mukha ng nanay o tatay mo sa braso mo. Sa isang balita, nasira ang kutis ng isang babae pagkatapos magsugat at magbalat ang tattoo nito. Makikita sa larawan ang kabuoang imahe ng flower ...